Kuting, Upuan, at isang pang isip-batang Laruan…

05-01-09_0313

I had a blast… period…

The past year was of course a good one but I really had my own share of problems; and I highly doubt it’s gonna end early this year. But enough about that, personal na yun eh…

Ay syet… nag-tagalog bigla…

Matagal akong nawala yep, and it’s for a good reason; nag-karoon ng mga aberya sa buhay, mga projects kailangang tapusin, mga deadlines na kailangang habulin… mga bagay na naging dahilan kung bakit natuto na akong mag-laba ng gabi kesa sa umaga (salamat mahal kong washing machine… *yakap*). Pero ang pinakamatinding nangyare saken ngayon eh nawala ako sa SFC…

Yep, naglaho akong parang bula…

Siguro nagtataka kayo kung bakit nagsusulat pa rin ako ngayon nitong year-ender ko dito sa yahoo groups natin kasi ako na rin yung nag-sabi na wala na ako sa grupong nagbubuklod sa atin. As far as I’m concerned, ako rin eh nagugulumihanan sa sarili ko; o baka naman nilalamig lang ako.

Noong una eh hindi ko rin napansin na parang lumamig ang gabi natin dito sa maynila. Parang abnormal kasi na ang isang polluted na lungsod na katulad ng sa atin eh bigla na lang magpo-produce ng isang napakalamig na simoy na usually eh mararanasan lang natin sa ating mga probinsya. Hindi ko na tuloy maalala kung kailan yung nagsisisigaw ako sa kalye habang nagba-bike sa madaling araw dahil sa sobrang lameg.

May mga pangyayaring ganito na hindi natin maipaliwanag kung bakit hangga’t walang nagsasabi. napansin ko na lang na wala na palang masyadong activities sa SFC, at kung meron man eh may dadating na asungot sa schedule ko na pupwersa sa akin na bumitaw at gumawa ng ibang bagay.

At ngayon nga eh hindi na natin napansin natapos na ang taon…

Honestly, kung paguusapan natin yung part kung bakit nga ba ako nagsusulat pa rin ngayon eh hindi ko rin alam. Naka-upo ako ngayon sa harap ng computer ko habang pinapanood ang pusa namin na pilit inaabot yung kahon ng tikoy na nasa ibabaw ng lamesa, nakikita ang sunod-sunod na e-mail galing sa Bobong Pinoy groups na hindi ko naman binabasa, at tila isang batang praning na naka-tingin sa bagong biling remote controlled na laruan na nakapatong sa ibabaw ng lamesang nasa harapan ko.

Bugso ng damdamin? hinde… chance para mag-dahilan? ewan ko; siguro nga eh nabibigla lang din ako…

Pero ang layunin ko naman from the start eh isulat ang mga karanasan ng isang ordinary SFC member na katulad ng ibang tao na nag-tataglay ng maruming diwa na nag-lalakbay sa kung saan-saan lupalop na mismong kukote lang natin ang may alam.

2009 na ngayon, nadagdagan na naman ng kulubot yung mga mukha natin, yung iba eh mawawala na sa kalendaryo, may mapo-promote, at meron ding mag-eemote. Lahat naman eh nangyayari ng biglaan eh, kaya nakaka-excite ang buhay…

Come to think of it, almost 2 years na din pala akong nagsusulat dito… madaming criticisms, madaming comments, syempre may mga naasar pero expected na yun… Tuloy ang ligaya…

Bring it on 2009…

Explore posts in the same categories: SFC Letters...

Tags: ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Comment: