Arangkada…

ZOOOOOM!!!

Aaminin ko na po na kaskasero ako, so natural lang na magustuhan ko yung mga rides na mabibilis ang andar! Eto yung checklist ko sa mga nagustuhan kong mga sasakyan ever since:

1. Cyclone Loop (Star City)
2. Go Kart Racetrack (Enchanted Kingdom)
3. Patok Jeeps (yung byaheng Stop n’ Shop)
4. EDSA Buses (preferrably yung papuntang Sapang Palay)
5. Yung bisikleta ko syempre (lalo na pag late ako nagising at kelangan kong makapunta sa office namin sa Makati in under 10 minutes…)

Ilang beses ko na sinabi yung sarap ng pag-daloy ng Adrenaline rush sa katawan mo lalo na pag muntik ka ng masagi ng isa pang rumaragasang sasakyan na muntik mo nang ikamatay (joke)… Pero yun nga lang, sa bilis ng pangyayari sa mga buhay-buhay eh para bang lagi na lang tayong may nakakalimutan…

Kaninang madaling araw eh nakasakay na naman ako at enjoy na enjoy sa rumaragasang pag-hagibis ng Bus na sinasakyan ko sa EDSA kasi kasalukuyan akong nag-commute papasok sa office dahil sa isang obvious naman na dahilan (nadisgrasya ulit ako at sira na naman yung bike ko… hehe…). Isa sa mga kinaaasaran ko sa mga bus na ito eh yung tipong pag-para mo para bumaba sa destinasyon mo eh 100 yards (minimum) yung layo ng ititigil nila kasi hindi mo daw sinabi ng maayos na bababa ka.

Kamote diba?

Usually eh ganoon ang nangyayare sa akin pag bababa ako ng Buendia cor EDSA. Napipilitan akong i-exercise yung mga muscles ko sa paa na kakagising pa lang para lang mag-compensate sa kundoktor na ako pa ang sinisi dahil hindi naman daw ako pumara. Pero ang ikinagulat ko talaga sa bus na nasakyan ko ngayon eh ibang-iba kasi yung kundoktor eh nagpa-alala na kaagad na merong bababa ng buendia kahit na nasa Ayala Avenue pa lang kami…

Asteeeg…

Actually, napansin ko na nung nasa Evalngelista pa lang kami na laging nagpapasalamat yung mga pasahero sa kundoktor na iyon bago sila bumaba. Nung ako mismo yung bumaba sa destinasyon ko, dun ko lang nalaman kung bakit. Pati tuloy ako eh napa- “Thanks po!” sa kanya.

Thanks Giving pala ngayon. Alam ko malayong malayo yung storya ko sa tema ng okasyon ngayon at syempre, hindi rin naman talaga tayo nag-cecelebrate ng Thanks Giving. Pero alam ko na yung maliit na pasasalamat na binibigay ng mga pasaherong bumababa sa Bus na iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit naeengganyo yung kundoktor na galingan pa lalo ang serbisyo nya. Yun ang kapangyarihan ng “Pasasalamat”

Nawawala na nga ba ang pagpapasalamat sa atin ngayong halos lahat eh sobrang busy na at halos ang lahat ay kumakaripas na sa kanilang mga destinasyon?

Maikli lang naman yun diba?

Kamsahameda~ (thank you in Korean…)

ZOOOOOM!!!

Explore posts in the same categories: SFC Letters...

Comment: