Excess Baggage…
Tuwang-tuwa ako ngayong mga naka-raang araw kasi natatapos ko na ng matiwasay lahat ng daily tasks ko sa office na walang inuuwi kahit isang homework o kung anu pa mang trabaho na dapat naman talaga eh sa opisina lang ginagawa.Ang sarap ng feeling na solve na ang lahat ng mga posibleng problema sa trabaho; walang ka stress-stress. Pero ang mahirap nga lang sa bago kong accomplishment ngayon eh pagdating ko sa bahay eh uupo lang ako sa tapat ng computer ko tapos toink… walang gagawin…
Hanggang ngayon eh naaasar pa rin ako sa blog ko, baket? Kasi sobrang kinakain nya yung oras ko dahil kailangan ko pa ng mga maaayos na lay-out, kailangan ko pang gumawa ng maayos na header, at kailangan ko pang punuin ng mga sulat na may kabuluhan kahit papaano para naman masabi naman ng mga titingin sa webpage ko na hindi naman nasayang yung effort nila na i-click yung link ng Blog ko. Alam ko nasabi ko na ito noon, ayoko kasi yung napipilitan ako na gawin yung isang bagay na parang hindi ko naman gusto; yun kasi yung feeling ko sa blog ko kasi parang pinipilit lang ako ng natural na agos ng inpormasyon ng internet para ayusin yung pagkaka-salansan ng kalokohan ko.
Sa unang buwan ng pag-air ng blog ko eh marami ang pumuna; ibang kasama sa SFC, manager ko sa office, mga kaibigan ko, at syempre yung mga critics. Halo-halong reaction eh, siguro eh wala nga sa itsura ng isang katulad kong tamad ang mag-maintain ng isang blog. May mga kaibigan na nag-offer ng domain, mga kakilalang editor na nag criticize, grabe, hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko kung itutuloy ko pa ba ito o hindi.
Last week, habang nagbabasa ng mga email eh saktong may lumabas na message galing sa incumbent Chapter Head namin; si bro Jason. Nung una eh hindi ko nakilala pero nung nabasa ko yung message eh naalala ko lang na sya nga pala yun. (nasanay kasi ako sa isang taong mahaba ang baba na mahilig kumain ng saging…) Sa signature nya eh nakalagay ang mga usual messages ng mga taong matyagang gumawa ng signature at nandoon din yung link ng “Deviant Art” page nya. Ewan ko kung ano yung pumasok sa ilong ko, pero ni-click ko yung link na yun; at dun bumalaga sa aking mga mata ang sample ng makulay na mundong ginagalawan nya…. Pre-Nup pics!
Hindi kasal ang topic ko ngayon wag kayo mag-alala; ang sakin lang eh parang nakita ko ang isang parte ng buhay ng isang kapwa mananampalataya at kung papaano nya napapa-ikot sa mga kamay nya ang mga gawaing obviously eh kumakain ng malaking porsyento ng oras nya. Samantalang ako eto na nagrereklamo eh ni hindi ko kailangang tumayo sa upuan ko para gawin yung sa akin. There and then eh naalala ko yung isa sa mga pangaral sakin ni kuya Donnie, yung editor ko na prof sa Lasalle; “Writing is a gift that not all people have”. Kumbaga eh kanya-kanyang regalo lang yan eh; nasa satin na lang yun kung gagamitin natin.
Gamitin… Hay…
Gusto kong mag-sulat pero sa sobrang engrossed ko sa mga bagay na sineseryoso ko eh hindi ko napansin na ako na mismo yung nagsasarado sa pintuan ng mga pangarap ko; na i-aapak ko na lang pala yung paa ko sa loob at ipapatong iyon sa unang hakbang ng hagdan eh kinakatamaran ko na…
Na ako mismo yung humahara sa pag-usad ng sarili ko…
Yep, late yung write-up ko ngayon pero natauhan ako. Kahit na hindi sya malinaw, o mukhang kabaliwan na naman yung message eh present ako. Kahit na sabihin ng mga critics na mali ang grammar ko eh di go; nagsisimula pa lang ang laban ko…
Salamat aking kritiko… binuhay mo ang sarili mo…
Tags: SFC
You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.