Tae ng Kabayo sa ilalim ng Semento…
Ang sarap ng simoy ng hangin, yung amoy ng bagong putol na damo. Badtrip lang kasi medyo malapit ako sa tae ng kabayo pero ayus lang; pagod ako ang trip kong humilata at magpa-gulong gulong sa damuhan.
Papalayo sa tae ng kabayo syempre…
Ganyan ang isa sa mga trip ko noon nung nakatira pa ako sa bahay ng lola ko sa Lucban, Quezon. Nakakatawang isipin na yung parents ko eh pareho palang taga roon ang angkan eh dito pa sa Pasay nagka-kilala. Kaya ako ngayon, pwersadong mag-tapos ng elementary sa lugar na yun. Ang bagal ng buhay ko nun pare, at makapal ang tagalog accent kow. Sa sobrang sarap at ginhawa ng buhay ko eh wala na akong paki-alam kung meron mang tae nang kabayo mga dalawang dipa mula sa damuhang hinihigaan ko.
Nung mga bata pa tayo, ayaw na ayaw nating matulog pag tanghali diba? Tapos ngayon kulang na lang eh ipag-novena natin na sana eh tulog tayo at least 12 hours a day. Ako noon, sa bagal ng andar ng pamumuhay sa isang probinsya, kain tulog ako men. Pero hindi pako mataba noon kasi sa sobrang liit ng bayan ng Lucban eh ni hindi ko kailangang mag-tricycle kasi ultimo bahay ng classmate ko sa kabilang subdivision sa kabilang panig ng bayan eh kaya kong lakarin. Hindi rin kasi ako nag-mamadali eh…
Siguro dahil na rin sa nakagawian kong iyon kaya ako naging “Easy-Going” sa buhay. Magkaron man ng problema eh okay lang, may bukas pa at pagkatapos noon ay ilan pang araw para tapusin ng matiwasay ang problema. Kumbaga ngiti muna para kyut…
Sa ngayon eh fast-paced na ang buhay ko. Gising ng 3am tapos check ng kung anu-anong bagay tapos pasok sa office ng 4am. At sa loob ng halos siyam na oras eh tatambay ako doon at maghihintay ng mg schedule ng estudyante ko habang sumisilip ng patago sa website na minamanmanan ko. Tapos pagdating ng mga 3pm eh uuwi ako tapos pipiliting mag-laro ng video games (naglalaro kasi ako ngayon ng mga Role-Playing Game kasi kailangan ko ng inspirasyon kung babalakin ko pang tapusin yung dyaskeng libro ko) tapos eh aattend ng kung anu mang meeting sa simbahan o sa kaibigan o sa kung saan pa man o kaya naman eh magkukulong sa bahay at magsusulat ng katarantaduhang tulad ng nasa tapat ngayon ng naglalangis na ilong mo…
Minsan nagugulat na lang ako kasi para bang hindi ako pwedeng hindi titingin sa celepono ko para bilangan ang bawat minutong dadating para lang hindi ako ma-late sa susunod na gagawin ko. At take-note, hindi po ako isang executive ng isang malaking kumpanya; isa lang akong simpleng kumag na nagpupumilit humanap ng isang maginhawang lungga sa pusod ng isang maalikabok na lugar na tinatawag nating “Maynila”…
Tuwing pasko eh may reunion kami sa province kaya may pagkakataon akong bumalik sa damuhang kinalakihan ko. badtrip nga lang kasi, after 12 years ng pag-tira ko dito sa manila eh puro bahay na yung tambay place ko; yung lugar na puro tae ng kabayo, sementado na…
Lam ko nostalgic ulit ang topic ko ngayon, pero dumating kasi ako sa point ng buhay ko na waw, ang laki ko na nga pala talaga. Hindi nako pwedeng bumalik pa sa mga bagay na gusto kong gawin kasi pwersado nakong iwanan sila. Parang last month lang eh umatend ako ng Ragnarok World Championship para sa website ng isa pang taong mas matanda pa saken pero halos lahat ng kasama namin dun eh tumataginting na “Kuya” na ang tawag saken.
Sa totoo lang, ang hirap umusad lalo na pag natitira satin yung feeling na “parang along the way eh may naiwan tayo”. Juskopo, sigurado hindi lang ako yung may ganitong feeling. Kahit sino kasing tao eh hindi pa rin nagiging kuntento sa kung anu mang ginagawa nila kahit sa oras na ito.
Teka nga, bakit ba senti na naman ang topic ko? Alam ko tae ng Kabayo ang kinukwento ko eh…
November 9, 2008 at 9:37 pm
hey! hey! hey! ayoko tlga matulog pag tanghali nung bata ako. hahahaha… pero i’m obliged, takot ko lang sa lola ko. hahaha.
pero ngayon… tama ka, halos talikuran ko ang lahat makatulog lang. hihi.
@_@
November 9, 2008 at 9:50 pm
take two. hehehe…
i’m not sure if my 1st post went thru, nka-block kc to dito sa ofc. musta nmn…
illegal to. hahaha,
anyway, di pa pla kita na-congratulate pow. hahaha. at last.
ayoko din matulog sa tanghali nun… takot lang ako sa lola ko kaya nagpapangap akong tulog para di mapagalitan. hihi.
but all that has changed. ngayon di na kailangang pilitin pang matulog. hihi. that’s one of my deprivations.
let me sleep! @_@